Tamang Paggamit ng Gadyets
Masyado ng malawak ang paggamit ng teknolohiya sa panahon ngayon. Mapamatanda man lalo na sa mga kabataan. Ngunit marami man ang naitutulong nito sa atin, mayroon din itong hindi magandang naidudulot lalo na sa pakikipag-ugnayan natin sa iba. Dahil sa sobrang tutok at pagkalulong natin sa mga gadyets ay nakakaligtaan na nating makihalobilo sa ating kapwa lalo na sa ating mga pamilya. Hindi na natin namamalayan ang oras kapag babad tayo dito at ito na ang ginagawa natin magdamag. Nakakaligtaan narin natin minsan ang kumain at isa rin ito sa dahilan ng pagbaba ng mga grado ng ilang mga kabataan. Dahil hindi na nila natututokan ng maayos ang kanilang pag-aaral at puro gadyets ang inaatupag. Mas gusto narin natin ang laroin na lang ang mga ito kaysa maglaro sa labas kasama ang iba. Ang oras na dapat ginigugol sa ating pamilya ay nawawala na. Kaya dapat alam natin ang ating mga limitasyon sa paggamit ng mga ito. May oras para sa mga teknolohiya at may oras para sa pamilya at sa kapwa. H